You can call me Miss D … 28 years old, fitness enthusiast, panganay sa tatlong magkakapatid na babae (Tres Marias ika nga) at anak ng mga mapagmahal kong magulang. Nakatira kami sa Manila, dito kaming magkakapatid lumaki pero si mama ay laking-Quezon at si papa nama’y laki sa Ilocos Norte. Ilokano ako kaso hindi ako natuto dahil sa Maynila ako nag-aral at lumaki.
Nagtapos ng kursong Nursing sa isang prestihiyosong unibersidad sa Quezon City at makalipas ang dalawang taon ay nagdesisyong mangibang bansa noong taong 2014.
Sa kasalukuyan, ako’y isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Middle East. Limang taon na ako dito ngayon.
Antagal na ‘no? Sa limang taon ko dito sa Middle East, I’ve learned a lot of things. I’ve encountered a lot of challenges and hindrances sa work, sa friendships, sa lifestyle at lalo na sa personal na buhay. These difficulties brought me lessons which in turn made me stronger, at itong mga lessons na ito ang nais kong i-share sa ibang tao, nagtatrabaho man sa ibang bansa o hindi. Kaya naisip ko, bakit hindi ko kaya i-blog ang mga ito nang sa gayon ay mai-share ko ito sa karamihan? Aba! Bakit hindi?
So here we are, this is my first blog, explaining why I started blogging. Una, dahil gusto kong maishare sa iba ang mga aral na natutunan ko sa pagtatrabaho abroad. Pangalawa, nais ko din ikuwento ang mga pangyayari sa aking pang-araw-araw- na buhay, paano ko tinatanggap ng buong puso ang mga ito mabuti man o hindi, at ano ang ginagawa ko para malagpasan ang mga ito. At pangatlo, dahil mahirap talagang kumita sa abroad at maliit ang aking naiipon, nais ko sanang kumita kahit kaunti gamit ang aking kakayanan sa pagsusulat, pandagdag ipon na din, hindi naman ako naghahangad ng malaki. Kaya nawa’y bigyan ako ng Panginoon ng talino para maisulat ko ng maayos ang aking mga karanasan at saloobin at magigiting na readers na sana’y matuto sa aking mga ipamamahaging lessons at idea.
Ang introduksyong ito ay maikling pahina lamang ng libro ng buhay ko. Oo, nakakaboring makinig sa kwento ng buhay ng iba, pero alam kong makaka-relate ka! Peace, mwah…
(B001)
