Sinong ba namang may hindi gusto ng Spicy Seafood?? At dahil isa akong Overseas Filipino Worker (OFW) na namimiss ang luto ng kanyang nanay sa Pinas, sinubukan ko itong lutuin at gayahin ang lasa sa abot ng aking makakaya.
Iba talaga ang lasa ng pagkain kapag ito ay niluto sa Pilipinas dahil na din siguro sa kalidad ng mga gulay at karne. Kaya minsan natatawag kong trying hard ang aking mga niluluto. Nung nakaraang linggo, sobra akong nag-crave sa seafood, lalo yung katulad ng binebenta sa Dampa Seafood Grill. Alam mo yun? Spicy Seafood with Cajun sauce ang tawag nila doon. Kaya nagtanung-tanong ako sa mga kaibigan ko kung paano gumawa ng ganoong sauce.
Nalaman ko na may ibinebenta pala sa Carrefour (isang sikat na pamilihan sa UAE at iba pang bansa sa Middle East) nito na gawa ng Ina Parman’s Kitchen na may brand na Cajun Spice. Nabili ko ito sa halagang AED 12 o USD 3. Sulit na din ang presyong ito dahil kaunti lang ang nagamit ko sa niluto kong putahe na kasya para sa apat na tao.
Ito ang mga pangunahing sangkap na binili ko:
- Alimasag (Crab) – tatlong pirasong malalaki – AED 22 or USD 6
- Hipon (Shrimp) – isang kilo – AED 30 or USD 8
- Halaan (Clam) – 3/4 kilo – AED 8 or USD 2
- Pusit (Squid) – limang pirasong malalaki – AED 25 or USD 7
Una, pinakuluan ko ang mga alimasag at halaan. Sa malinis na lutuan, naggisa ako ng madaming bawang at kaunting sibuyas (paborito kasi namin ang madaming bawang lalo ung malutong). Sumunod ay nilagyan ko ito ng ketchup at binudburan ko ng Cajun Spice na nabili ko sa grocery (maaari ding gumamit ng tomato sauce kaso nakalimutan ko kasing bumili pero okay din naman ang lasa ng ketchup, parehas lang naman silang gawa sa kamatis, hehe). Dinagdagan ko din ito ng ibang pampalasa katulad ng asin, paminta, star anise, Knorr shrimp cubes at vetsin (hindi ko trip gumamit ng Magic Sarap talaga ever since, only vetsin o Monosodium Glutamate).
Sunod ay nilagay ko ang hipon at pusit. Saglit lang at nilagay ko kaagad ang alimasag at halaan dahil hindi maganda kapag nasobrahan ang luto sa hipon at pusit, maninigas ito or magiging rubbery kapag nginuya. Hinalo at tinakpan ko ito ng sa gayon ay maghalo ang lasa ng sauce at ng mga seafood.
Tinantya ko lang ang nilagay kong Cajun Spice hanggang sa malasahan ko ito sa aking niluluto. Masasabi ko na nasa isang kutsara ang nailagay ko dito. Pasensya na at ganito ako magluto, “pacham” kasi tyamba lang hanggang maging masarap. Hehe..
Bilang konklusyon, ayon sa hatol ng aking mga taga-lasa (ang aking mister at kapatid) masarap at naging kalasa nito (kahit papano) ang seafood na nakakain namin sa Dampa. 8.5 out of 10 daw! Haha.. At least diba, ang aking first try ay naging successful. Sigurado, magluluto ulit ako nito lalo kapag may espesyal na okasyon.
Hayyy.. nakakagutom!
Maaari din gamitin ang Cajun Spice sa pag-mamarinate ng mga karne katulad ng baboy, baka o isda.
Alam mo ba kung saan pa maaaring gamitin ang pampalasang ito? Please let me know, it will be very helpful .. 🙂 Thanks for reading! ☺

Hello Life Mag Readers,
Thank you for visiting our blog. For more life inspiration blogs, travel, food, health and fitness blogs, crochet patterns and ideas, kindly visit our homepage at www.simplydee.blog.
And, if you would like us to try and review your products, send us an email at lifemagblog@gmail.com or leave us a message at the comments section below.
Cheers!



