Nagsimula akong mag-Intermittent Fasting (IF) noong Jan 2018 dahil sa isang napakaimportanteng dahilan, ang magbawas ng timbang. Ako ay nasa 64kg noong ako’y nagsimula at nais kong magbawas ng timbang dahil pupunta kami ng aking asawa sa Maldives. Hindi naman ako overweight base sa BMI ko pero minabuti ko na ding magbawas para kung sakaling mapagdesisyunan namin na magkaroon ng baby ay healthy ako.
Halos 2 years ko nang ginagawa ang IF at ngayon, ang timbang ko’y namaintain ko na sa 59Kg. Natutunan ko ang diet na ito sa internet noong naghahanap ako ng magandang alternatibo sa pagda-diet dahil alam kong hindi ko kakayanin ang Ketogenic diet na ginagawa ng iba. Isa pa, magastos iyon, nagtitipid kaya ako.
Unti-unti kong sinimulang mag-IF gamit ang 16:8 kung saan 16 hours akong hindi kakain o yung tinatawag na ‘fasting window’ at 8 hours naman ang ‘eating window’. Ginagawa ko ito sa loob ng tatlong araw tuwing Sunday, Tuesday at Thursday.
Para makumpleto ko ang fasting window, ini-skip ko ang breakfast at sisimulan ko ang eating window mula 1pm to 9pm – 1pm ang lunch ko, 7pm ang dinner, at after nun kumakain ako ng fruits, minsan junkfoods (hehe) at umiinom ng gatas. Habang nagfafasting, ang maari ko lang inumin ay non-caloric beverages katulad ng black coffee, green tea at tubig.
Sa una, nakakapanibago kasi talagang nakakagutom, paggising ko pa nga lang sa umaga gutom na ko eh. Kapag kumakalam ang tiyan ko, umiinom ako ng madaming tubig, pamatid gutom. Kung minsan nama’y black coffee o kaya green tea. Maganda din ang green tea for losing weight kasi it helps on digestion and speeds up metabolism.
Habang tumatagal ay nasasanay na din ako sa ganitong style ng pagkain, kaya naman matapos ang ilang araw, dinagdagan ko na ang bilang ng araw kung kalian ko gagawin ang IF. Kahit hanggang ngayon, ginagawa ko ang IF 5x a week – Sunday, Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday. At dahil nga sa Dubai, ang araw ng pahinga ay Friday at Saturday, eto na din ang araw ng pahinga ko sa diet na ito, “cheat day” kumbaga.
Kapag naman oras na para sa aking eating window, sinasanay ko ang sarili kong kumain ng healthy na pagkain katulad ng fruits and vegetable. Pero honestly, mahirap talagang iwasan ang junkfoods, nasa pagbabalanse lang yan. If you think you ate something unhealthy, burn it immediately!
According to Healthline (https://www.healthline.com/nutrition/16-8-intermittent-fasting#getting-started), magandang kumain ng mga masusustansyang pagkain katulad ng:
Fruits: Apples, bananas, berries, oranges, peaches, pears, etc.
Veggies: Broccoli, cauliflower, cucumbers, leafy greens, tomatoes, etc.
Whole grains: Quinoa, rice, oats, barley, buckwheat, etc.
Healthy fats: Olive oil, avocados and coconut oil
Protein: Meat, poultry, fish, legumes, eggs, nuts, seeds, etc.
Sinabayan ko ng pagg-gym ang IF diet ko. Ang resulta? Within 3 months, nabawasan ang timbang ko ng 3kg at matapos pa ang sumunod na dalawang buwan, nabawasan akong muli ng 2kg. Ready na para sa aming Maldives trip nung May 2018.
Para sa akin, nagging effective ang IF sa aking katawan kaya napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang diet na’to, isa pa, nasanay na din kasi akong hindi kumain ng breakfast. Nasanay na ang katawan ko sa oras ng pagkain ko, minsan sinusubukan ko ding kumain ng almusal o kumain ng sobra sa normal, pero sumasakit ang tiyan ko na parang hindi ako natutunawan.
Para naman sa iba na gusting sumubok ng ganitong diet ang suggestion ko ay: una, do a research. Hindi basta basta ang pagda-diet kahit anong uri pa ito. Maganda din na magbasa basa ngexperience ng iba para malaman ang kinahinatnatan ng ganitong diet sa ibang tao. Pangalawa, kapag nakapagdecide ka nan a mag-IF, do it slowly but surely, huwag bibiglain. Katulad ng ginawa kong 16:8, maari ka munang magstart sa 14:10 or 12:12. May iba ding gumagawa ng 20:4 (4-hr eating window) at 24:0 (full 24-hr fasting) pero hindi ko ito ginawa. Nasa sa iyo, kung saan ka komportable, 16:8 most common at dito talaga ako nakapag-adapt agad agad.
Bukod sa pagbawas ng timbang at pagpapabilis ng metabolism, may iba ding benefits ang IF katulad ng:
https://www.healthline.com/nutrition/16-8-intermittent-fasting#benefits
Improved blood sugar control: Intermittent fasting has been found to reduce fasting insulin levels by up to 31% and lower blood sugar by 3–6%, potentially decreasing your risk of diabetes (2Trusted Source).
Enhanced longevity: Though evidence in humans is limited, some animal studies have found that intermittent fasting may extend longevity (3Trusted Source, 4Trusted Source).
Ayos ba? Tandaan, kung may doubt ka, magpacheck ka muna kay Doc. Hindi magiging effective ang diet na ito kung mayroon kang ibang sakit. Pero kung healthy ka naman, why not dba?
Sa ngayon, 59 kg pa din ang timbang ko. Hindi ko na goal ang pagbabawas ng timbang pero tinutuloy ko pa din ang IF dahil gusto kong ma-maintain ang timbang na ganito at isa pa, masarap sa feeling eh, iba na ang pakiramdam ko, feeling ko super healthy, strong and fit ko na! Kasabay ng pagg-gym ang goal ko ngayon ay mag-tone ng muscles parang Iya Villania at Aubrey Miles ba, gusto mo yun? Maganda din yung may inspiration para lalo tayong ganahan.
We can do it beshies!
Mwah!
(B.004)